Showing posts with label Pag-ibig. Show all posts
Showing posts with label Pag-ibig. Show all posts

Pighati (Tula Tungkol sa Pag-ibig)

"Pighati"


Sa pagbagsak ng bawat patak ng ulan
Ako`y nananaghoy sa iyong paglisan
Pa`no na lang ang ating pagmamahalan?
Ngayo`y nag-iisa, bakit mo iniwan?

Ayokong pagdudahan itong pag-ibig
Ikaw ang sigaw ng puso sa bawat pintig
Paglipas ng bawat segundo, minuto
`Kaw pa rin ang bumubuo sa `king mundo

Bakit napakalupit ng kapalaran?
Ginawa ng lahat `di pa nasiyahan
Ano pa ang dapat na aking ialay?
Kahit aking buhay sa sa `yo`y ibibigay

Kung tunay kang masaya sa kanyang piling
`Di na ipipilit, `di na manggugulo
Pero ito lang ang aking hiling
Maalala lagi pag-ibig kong totoo